JOHANN!!!
Pupunta ako mamaya sa SM at maghahanap ng MAY 2004 issue ng MEG na si Chynna Ortaleza ang cover-girl dahil mayroon s’yang tatlong pictures doon.
Nag-text ako sa maraming tao na ipagdasal na sana manalo ang Ateneo sa knock-out game nila versus La Salle.
Kumakanta ako ng mga cheers ng Ateneo, pati na ang school hymn nila, na halos memoryado ko na, habang naglalakad pauwi.
Uuwi ako ng maaga para mapanood ko ang game na ‘yon kahit sa tv lang.
Sumagi sa isip kong lumipat ng Ateneo.
Nanonood at iniintindi ko na ang wrestling.
Pumayag akong samahan ang kaibigan kong mag-gym sa Moro Lorenzo sa Ateneo kahit na mahal ang babayaran.
Nagpa-wax ako ng kilay.(?!?)
Ewan ko.
Ewan ko kung bakit ginagawa ko ang lahat ng ito para kay Johann.
Oo, kay Johann--- kay Jonathan Rogel N. Uichico.
Jersey #12 ng Ateneo Blue Eagles. Forward.
Sophomore taking up Communications Technology Management---ang course na naipasa ko rin, not to mention first and dream choice ko sa lahat ng courses sa buong universe.
Hindi mo pa rin maalala?
Hindi mo talaga s’ya makikilala unless Atenista ka or unless hindi ka nanonood ng game at doon ka lang sa bench ng Blue Eagles nakatingin.
Yep---most of the time, bangko s’ya.
Pero alalang-alala ko yung mga panahong pinapasok s’ya sa court. Sabi nila, yun yung mga oras na nanonood yung tatay n’ya---c Jong Uichico.
Oo. Tatay n’ya c Jong Uichico na coach ng San Miguel.
Madalas, mga few minutes or seconds bago matapos ang half-time o ang 4th quarter---minsan kapag sure win, minsan naman kapag sure lose na din ang Blue Eagles.
Hindi rin s’ya nakaka-shoot. Pinapasa lang n’ya madalas ang bola sa mga key players.
Pa’no ko s’ya nakita kung ganon?
Gusto kong isiping itinakda ng Diyos na maging crush ko s’ya.
July 17, 2004. Cuneta Astrodome. 10 araw matapos ang birthday ko.
Environment: Nandoon ako para manood ng laban ng UE at UP. Talo ang UP. Nagkayayaan kaming magkakaibigan, (Earvin, Abi at ako) na manood ng game ng Ateneo at UST. Lumipat kami sa side ng Ateneo.
Heart condition: Manhid. Just a few months after my second major heartbreak kaya windang pa ang puso ko. Walang major boylet sa buhay dahil nga traumatized pa ako.
Kaya nga kami nagpunta sa side ng Ateneo. Gusto ko sanang maghanap ng boylet.
Outfit: Plain Casual. As in. Comfort t-shirt ko (yung binili ko sa Baguio), comfort pants (binili ko noong 4th year high school pa ako), at Tretorn rubber shoes (na hindi ko pa nalalabhan after a very long time) at blue and white na floral bag. Walang make-up. Naka-ponytail lang ang buhok.
Main event: Nagwa-warm-up na ang mga players ng parehong team. Hindi ko naman kilala ang mga players ng parehong team, bukod lang kay Fonacier, Tenorio at Tiu. Naghahanap ako ng mga gwapong Atenista sa paligid ko nang mapansin ko ang Barracoso na nakasulat sa jersey ng isang player ng Ateneo. Ah, naglalaro na pala para sa UAAP si Ken, ang kapatid ng classmate ko nung grade 6 na si Angelica. Ibabaling ko na ang tingin ko sa mga lalaki sa tabi ng upuan namin nang mapansin ko ang matangkad na player ng Ateneo sa likod ni Ken. Nag-shoot, pumasok at tumakbo sa likod ng pila.
Humarap sa direksyon namin.
Shit.
Miko Sotto, ikaw ba ‘yan?
Wala naman akong crush kay Miko Sotto (sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa). Pero nakuha ng lalaking ito na kahawig n’ya ang atensyon ko.
Nagsimula na ang laro.
Tandang-tanda ko pa. Matatapos na ang second quarter. Nag-time out ang UST. Lamang ang Ateneo. Lumapit s’ya sa announcer. Nag-buzzer.
Ipinasok s’ya sa court.
At doon ko nakita ang jersey number n’ya at ang apelyidong nakalagay sa taas nito. Uichico. Astig.
Pinasok ulit s’ya bago matapos ang 3rd Quarter. Sa buong panahon na hindi s’ya naglalaro, I found myself just staring at him habang pinapanood rin n’ya ang game mula sa bench nila. At nung pinasok s’ya, nagulat ang mga kasama ko nang bigla akong nagtitili.
Things were never the same after that.
Kahit gabihin pa ako, pinapanood ko ang game nila. Madalas kasi, main event ang mga laro nila kaya 4 pm pa nagsisimula at 6 pa natatapos.
Hindi ako maka-cheer ng maayos para sa UP kapag sila ang kalaban dahil mas madalas ko pang isigaw ang “Go Johann!” na ikinaiinis ng mga kasama ko.
Minsan nga, kahit hindi Ateneo ang naglalaro, sumisigaw ako ng “Go Johann!” e.
Kapag sa tv naman ako nanonood, pinagdadasal kong mag-time out na para ma-feature ang bench nila dahil paniguradong tatayo s’ya at makikita sa tv. Ilang segundo rin ng kaligayahan para sa akin.
Noong huling laban ng UP at Ateneo, umupo kami sa tapat ng bench ng Ateneo. Sa Ultra ang game kaya sobrang lapit namin. Nang makita ko s’ya pagpasok ko pa lang ng court, nagtitili na ko. Muntikan na kong himatayin sa tuwa. Swear. Walang halong exaggeration.
Mas tumindi pa ang pagka-crush ko sa kanya nang malaman kong kaibigan n’ya si Rexan, isang malapit na kaibigan, at blockmate and super friend ng kabarkada kong si Nicole si Rachel, ang girlfriend n’ya.
Sa sobrang tindi, nakakatakot na.
Napapanaginipan ko na s’ya.
Nakatago sa wallet ko ang picture n’yang dinownload ko pa sa uaap.com. kahit pangit s’ya ‘don.
Inaway ko pa ang kaibigan kong nagsabi ng “Yuck! Crush mo si Uichico?”, at binantaan ko s’yang ‘wag na ‘wag lalaitin si Johann sa harapan ko kung ayaw n’yang masaktan. Akala n’ya joke lang pero sinampal ko s’ya afterwards.
Bumili pa ako ng sandamakmak na items na binebenta ni Nicole, isang kabarkada na nag-aaral sa Ateneo, para lang makapunta ako sa Ateneo at matanaw ko s’ya.
Nasira ko pa ang radio namin sa bahay sa kakamadaling pakinggan s’ya sa NU 107 isang gabi.
Tinext ko pa ang lahat ng taong kilala ko nung birthday n’ya. (September 15)
Lagi kong sinasabi na crush lang talaga. Totoo naman. Alam kong may girlfriend s’ya, alam kong malabo kami dahil hindi naman madalas nagkukrus ang aming landas unless gagawan ko ng paraan.
Pero hindi ko maintindihan kung bakit ginagawa ko ang mga kabaliwang ito. Sabi nga ng best friend ko, para daw akong grade school kung umasta’t mag-isip.
Ewan ko talaga.
Baliw na ‘ata talaga ako sa kanya.
Ayaw mo pa ring maniwala?
Bakit kaya sa tingin mo sinulat ko ‘to?

0 Comments:
Post a Comment
<< Home