Thursday, October 21, 2004

ayan...masaya na kayo?!? (Epilogue)

Kung nababasa n'yo na 'tong entry na 'to, malamang nabasa n'yo na yung entry bago dito. sinadya ko nang lagyan ng epilogue kahit walang prologue kasi I want everybody to know what I have to say about this goodbye brouhaha.
IT SUCKS.
It really do.
Pero yun nga lang, prinsipyo ko bilang aspiring writer na panindigan kung ano ang mga isinusulat ko. Wala nang bawian. Sabi nga ng mentor ko, mahirap kapag naisulat mo na (in this case nai-type mo na at nai-post mo na) dahil kahit burahin mo pa yan, mag-iiwan 'yan ng marka, palatandaang minsan ay isinulat o ginawa mo 'to. Naniniwala akong delikadong magsalita at magsulat nang hindi mo kayang panindigan, dahil kahit kailan hindi mo na mababawi ang naisulat o nasabi mo na. Gagawa na ito ng sarili nitong puwang sa mundo, kapansin-pansin man o hindi.
Lagi akong ganito. Kapag mayroong nangyayari sa buhay kong hindi masyadong maganda, ibubunganga ko muna ng ilang araw, tapos isusulat ko, tapos tatahimik na ako. Sandali lang naman akong mananahimik, pero makahulugan ang pananahimik na 'yon.
Naidaldal ko na. Naisulat ko na.
Mananahimik na ako.
Sabi nga ni Mama, problema ko raw kasi, siniseryoso ko kahit mga maliliit na bagay. Tulad nito, crush lang, at porket nagkabalikan na sila, magmumukmok na ako?!? Ang babaw ko talaga.
Anyway, nangyari na eh.
Kaya para sa mga taong matagal nang naiiyamot sa akin, o 'di kaya inaasar na ako dahil dito sa "Johann thing" na 'to:
Ano masaya na kayo?!? Nakita n'yo, wala na, nagpaalam na ako. Wala na kayong pagdidiskitahan, wala na kayong irereklamong lagi kong kinukwento at dinadaldal at wala na kayong mababasang mga mura na masasambit ko sa sobrang pagkahumaling ko kay Johann. Oo, tinatapos ko na 'to. Gaya nga ng sinasabi n'yo, ours is a hopeless case. Isang malaking kababawan at kabaliwan.
Mamimiss ko si Johann at ang kabaliwan ko sa kanya.
Mamimiss n'yo rin sa wakas ang kaingayan at kagagahan ko...
Tatahimik na 'ko.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home