Sunday, August 08, 2004

isang panaginip...

hehehe...looking back at all the entries i wrote...i laughed at myself. shet na malufet...ang drama pala ng buhay ko noh! now, in line with the theme of this blog...napakababaw at nakakatawa itong post na 'to...hehehe...

nanaginip ako kagabi. nakakagulat. nakakatawa. nakakagising.
nitong mga nakalipas na araw, napakaraming bumabagabag sa isip ko. napakaraming nangyari. napakaraming magulong bagay na hindi ko ma-resolba.
una, hindi ko maisip kung bakit niya ko iniiwasan. siya naman 'tong nagsasabing bumalik kami sa dati, tapos siya 'tong iiwas ngayon. ang pathetic talaga. minsan, imbes na mainis ako dahil hindi ko maintindihan ang kaartehan niya, natatawa na lang ako kasi nakaka-awa siya. parang gusto kong isigaw na, "hoy! ang laki ng problema mo! kapal mo...sa'yo na jacket mo, 'di ko na gusto yan..." hehehe...pero syempre, ayoko namang maging bulgar, ayoko na rin kasi ng gulo kaya tahimik na lang ako. no confrontations, no questions. bahala na siya sa buhay niya...kung yan ang trip nya e di yan...pucha...hindi na siya importante sa akin ngayon para pagtuunan ko pa siya ng oras at pansin at lakas...mas marami akong iniintinding bagay kesa sa kanya...
pangalawa, nagkaroon naman ako ng obsession sa bwakanang inang basketball player na 'to. kahit first game ang UP pero kasunod ang game nila, manonood pa rin ako, kahit gabihin na ako. kung sila naman yung first game, pupunta ako ng maaga kahit na hindi na ako pumasok sa isang klase ko. at ang pinakamalala--- bangko siya. hindi siya pinapaglaro ng coach nila. isang beses ko pa lang siyang nakikitang maglaro, at wala pang tatlong minuto ang tinagal niya sa court. pero naka-3 points naman siya nun. at kahit bangko siya, kontento na akong pinapanood siyang magpainit ng puwet sa bench nila.
may girlfriend na rin pala siya. blockmate ng kabarkada ko. pero wala akong pakialam. ayoko naman siyang gawing boyfriend eh. kinikilig lang ako at muntikan nang malaglagan ng panty kapag nakikita ko siya. ngayong week nga na 'to, maglulunch date kami nung friend ko na nagtatrabaho sa school niya, at iso-stalk namin siya, kahit kasama pa niya ang girlfriend niya...hehehe...
pangatlo, excited na akong magpunta sa puerto galera sa sembreak. i heard maraming university boys na sembreak den ang magpupunta rin don. nasasayang ang oras ko sa kaka-pantasya ng lalaking makikilala ko sa galera. pinapantasya ko rin ang abs na pinagtatrabahuhan ko sa gym araw-araw. pathetic man, pero talagang kayod marino ako sa gym para ma-achieve ko ang pinakamimithing abs na babagay sa bikining isusuot ko sa galera. nagiipon na rin ako para may panggastos ako doon...baka mamaya maubusan ako ng cash...maiwan ako sa galera...at maging island girl na lang...not bad ha...kaya lang mas trip kong maging broadcaster kesa island girl...hehehe...
and lastly, ang dami kong ginagawa! midterms, research papers, short stories, papers, trainings, at kung anu-ano pang pagkakaabalahan. hindi ko na nga napapansing lumilipas ang mga araw sa dami ng ginagawa. hindi ko na mapagkasya ang mga ginagawa ko sa schedule ko...bwakanang shet...
at yun nga...nanaginip ako. nakita ko ang ideal guy ko. anong nakita ko?!? ATENISTA SIYA! may kotse...hindi masyadong gwapo...but definitely hindi panget...mabait...sweet...hindi masyadong matangkad...mature...bine-baby ako...man...siya...siya na talaga ang gusto kong maging boyfriend! and pucha, i don't care whether destiny is true...but i'm gonna make sure that i'm gonna get my dream guy to be my first boyfriend...even if it kills me. hindi ko siya hahanapin...darating at lalapit siya sakin! yehey!
at kahit na napakarami kong ginagawa, kahit na ngarag ako to the nth level...nakangiti pa rin ako. at maganda. humanda kang atenista ka. makikita din kita! hehehe....