Sunday, September 26, 2004

Nababaliw na ko sa'yo JOHANN...

Baliw na baliw na baliw na baliw na 'ata talaga ako kay Johann.
hindi na kaya ng powers kong hindi s'ya maisip kahit isang minuto lang.
nakita ko s'ya kahapon sa tv.
naka-salamin.
ANG GWAPO-GWAPO N'YA!!!
makalaglag panty!
hindi ko alam kung katinuan pang matatawag 'tong mga pinaggagagawa ko at pinagsasabi ko para lang sa kanya.
pero kung sabagay, kahit naman kabaliwan na nga ito, 'di pa rin ako titigil.
PUTANG INA....CRUSH NA CRUSH KO TALAG S'YA!!!
naninikip ang dibdib ko kasi hindi ko ma-express kung ga'no ko s'ya ka-crush.
ayoko na s'yang mapanaginipan sa gabi.
pero parang gusto ko din.
ayoko s'yang makita.
pero parang gusto ko din.
ayokong mabaliw dahil sa kanya.
pero parang gusto ko din.
JOHANN!!! putang'na, ano ba 'tong ginawa mo sakin???
you corrupt my soul... conquer my mind...you fill my thoughts...
SHEEEEEEEET!!!!
ang gwapo mo talaga!
i swear...pag nabasa mo talaga 'to...sheeeeeeett!!!!!
sheeet na malufeeeeeet talaga!
putang ina!
ok lang.
hehehe...

Wednesday, September 22, 2004

Ewan...

Ewan ko.
Ewan ko talaga.
Teka…pang-ilang ewan ko na ba ‘to?
At pang-ilang blog ko na ‘to na tungkol pa rin sa’yo?
Ewan.
Tama na nga ‘yang puro ewan ang nasasabi ko…
Sana magkaroon na ng sense ‘tong mga pinagsasabi ko…
Pati na rin ‘tong mga pinag-gagagawa’t pinagsusulat ko…
Wala nga ‘ba ‘tong sense?
Shit.
Pa’no mawawalan ng sense e tungkol ‘to sa’yo?
Na naman?!?
Tungkol na naman sa’yo?
Hindi pa ba ako nagsasawa?
Hindi.
Bakit hindi?
Ewan.
Shit. Sinabi nang tama na yung ewan na sagot e.
E ewan naman talaga. Anong magagawa ko?
Para na ‘kong ewan dito.
Ewan na naman.
Sige. Tama na yung puro ewan.
Bakit ko ba ginagawa lahat ng ‘to?
Bakit ba ikaw nalang madalas na iniisip ko?
Bakit ba baliw na baliw ako sa’yo?
Bakit gustong-gusto kitang makita?
Bakit gustong-gusto kitang maisip?
Bakit rin gustong- gusto kitang kalimutan?
Ewan.
Ewan na naman?
Ewan.

JOHANN again...

Haven’t written something in English for a while now.

This maybe because my Filipino essays became more prominent than those that I wrote in English. Hehehe…

Let me give it a try…

Exaggerated.
That’s how most people would describe it.
They can’t believe that an 18-year old, supposedly and somehow mature person like me would act like a grade-schooler and would do childish things just because of her huge crush to some varsity basketball player from another school who seem to play only at the last few seconds of every game.
I was able to talk to a very dear friend yesterday about my obsession for Johann (Uichico). Yep. He’s the varsity basketball player I’m crushing (as in CRUSHING) on the past months (or specifically, since the start of the 67th UAAP season).
She was one of those people I could talk in a matter-of-factly manner, someone who could come up to me and tell me what an idiot I am at times (or should I say most of the time?) and I wouldn’t get offended, and probably, I would even thank her for telling me.
But then again, she is almost always the first person I run to for comfort and reassurance whenever I feel that the whole world disapproves or laughs at the things that I do.
And so I asked her, “Am I obsessing about him too much? Exaggerated na ba talaga ang mga ginagawa ko?”
I knew she would say yes.
She has started counting the number of times I mention the name Johann in our conversations. She saved the countless messages I sent her (and other people, too) about the Ateneo game, Johann’s birthday and other Johann stuffs that, as what she said, she and other people, wouldn’t give a damn at. She even reminded me of the “dumb” things I did ever since I got that “Johann fever”--- how I would shout “Go Johann!” from my Upper Box B seat at the Araneta Coliseum even if Johann’s team isn’t playing; how I would find myself scribbling Johann’s name over almost all pieces of paper that I see; how I would space out most of the time because of daydreaming about Johann; the eager look on my face whenever my Atenista friends would tell me Johann stories; and most of all, and the “dumbest”, she said, was how somebody as sane (supposedly) and as smart like me, would resort into joining a contest that would give me a chance to date a UAAP player of my choice (syempre Johann’s my choice), and even use my supposedly, writing talent.
So I sat down at my favorite chair last night and contemplated on the matter. What I was thinking at this point is that my most trusted friend already said that I’m exaggerating and agreed with what most, if not all, people are saying instead of the usual, “Don’t care about what they say” stuff she used to tell me. Oh, Diane, this contemplating thing is also so exaggerated already, I said to myself. But then again, I felt that I had to give it some thought, just so I can hopefully, figure out my next step.
I looked at the Johann profiles I’ve researched; the magazines with his pictures and articles about him; the pieces of paper with my Johann artworks and scribbles. I even began thinking about all the dream I had that he was part of; all the daydreaming about him; and the number of people I’ve talked that got irritated because I kept talking about him.
OA nga ‘ata.
But I couldn’t help it. I don’t know how to stop it, or even, if I should stop this obsession already. I couldn’t seem to figure out if I had gone overboard already. I just find myself doing those things and feeling happy, if not to mention euphoric, after doing everything that would brace or intensify my “Johann brouhaha”.
For God’s sake, I couldn’t even figure out why I had developed a crush on him in the first place. I just submitted to the possibility that I must be destined by God to go gaga over Johann.
And as I give this matter some thought, I remembered a mantra my friends and me would say in times of indifference like this--- “I don’t care what other people say. What matters is that I’m happy and I’m not hurting anyone…”
So I shouldn’t care if other people feel I’m exaggerating? Or in the first place, I shouldn’t believe that I am?
Well, honestly, I feel that all the things I did and will be doing because of this “Johann fever” may be too much and exaggerated. But I’m not doing anything wrong. I’m not hurting anybody. I’m just admiring and crushing on somebody, maybe, just a little crazier than what a normal person, or should I say, mature person would do, but it’s okay. I’m happy.
And Johann ought to be happy--- and flattered, too.
So I guess there’s no issue after all. I’m just exaggerating.
Oh, and by the way, can you count the number of times I mentioned Johann’s name in this piece?

JOHANN!!!

Pupunta ako mamaya sa SM at maghahanap ng MAY 2004 issue ng MEG na si Chynna Ortaleza ang cover-girl dahil mayroon s’yang tatlong pictures doon.
Nag-text ako sa maraming tao na ipagdasal na sana manalo ang Ateneo sa knock-out game nila versus La Salle.
Kumakanta ako ng mga cheers ng Ateneo, pati na ang school hymn nila, na halos memoryado ko na, habang naglalakad pauwi.
Uuwi ako ng maaga para mapanood ko ang game na ‘yon kahit sa tv lang.
Sumagi sa isip kong lumipat ng Ateneo.
Nanonood at iniintindi ko na ang wrestling.
Pumayag akong samahan ang kaibigan kong mag-gym sa Moro Lorenzo sa Ateneo kahit na mahal ang babayaran.
Nagpa-wax ako ng kilay.(?!?)

Ewan ko.
Ewan ko kung bakit ginagawa ko ang lahat ng ito para kay Johann.
Oo, kay Johann--- kay Jonathan Rogel N. Uichico.
Jersey #12 ng Ateneo Blue Eagles. Forward.
Sophomore taking up Communications Technology Management---ang course na naipasa ko rin, not to mention first and dream choice ko sa lahat ng courses sa buong universe.
Hindi mo pa rin maalala?
Hindi mo talaga s’ya makikilala unless Atenista ka or unless hindi ka nanonood ng game at doon ka lang sa bench ng Blue Eagles nakatingin.
Yep---most of the time, bangko s’ya.
Pero alalang-alala ko yung mga panahong pinapasok s’ya sa court. Sabi nila, yun yung mga oras na nanonood yung tatay n’ya---c Jong Uichico.
Oo. Tatay n’ya c Jong Uichico na coach ng San Miguel.
Madalas, mga few minutes or seconds bago matapos ang half-time o ang 4th quarter---minsan kapag sure win, minsan naman kapag sure lose na din ang Blue Eagles.
Hindi rin s’ya nakaka-shoot. Pinapasa lang n’ya madalas ang bola sa mga key players.
Pa’no ko s’ya nakita kung ganon?
Gusto kong isiping itinakda ng Diyos na maging crush ko s’ya.
July 17, 2004. Cuneta Astrodome. 10 araw matapos ang birthday ko.
Environment:
Nandoon ako para manood ng laban ng UE at UP. Talo ang UP. Nagkayayaan kaming magkakaibigan, (Earvin, Abi at ako) na manood ng game ng Ateneo at UST. Lumipat kami sa side ng Ateneo.
Heart condition: Manhid. Just a few months after my second major heartbreak kaya windang pa ang puso ko. Walang major boylet sa buhay dahil nga traumatized pa ako.
Kaya nga kami nagpunta sa side ng Ateneo. Gusto ko sanang maghanap ng boylet.
Outfit: Plain Casual. As in. Comfort t-shirt ko (yung binili ko sa Baguio), comfort pants (binili ko noong 4th year high school pa ako), at Tretorn rubber shoes (na hindi ko pa nalalabhan after a very long time) at blue and white na floral bag. Walang make-up. Naka-ponytail lang ang buhok.
Main event: Nagwa-warm-up na ang mga players ng parehong team. Hindi ko naman kilala ang mga players ng parehong team, bukod lang kay Fonacier, Tenorio at Tiu. Naghahanap ako ng mga gwapong Atenista sa paligid ko nang mapansin ko ang Barracoso na nakasulat sa jersey ng isang player ng Ateneo. Ah, naglalaro na pala para sa UAAP si Ken, ang kapatid ng classmate ko nung grade 6 na si Angelica. Ibabaling ko na ang tingin ko sa mga lalaki sa tabi ng upuan namin nang mapansin ko ang matangkad na player ng Ateneo sa likod ni Ken. Nag-shoot, pumasok at tumakbo sa likod ng pila.
Humarap sa direksyon namin.
Shit.
Miko Sotto, ikaw ba ‘yan?
Wala naman akong crush kay Miko Sotto (sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa). Pero nakuha ng lalaking ito na kahawig n’ya ang atensyon ko.
Nagsimula na ang laro.
Tandang-tanda ko pa. Matatapos na ang second quarter. Nag-time out ang UST. Lamang ang Ateneo. Lumapit s’ya sa announcer. Nag-buzzer.
Ipinasok s’ya sa court.
At doon ko nakita ang jersey number n’ya at ang apelyidong nakalagay sa taas nito. Uichico. Astig.
Pinasok ulit s’ya bago matapos ang 3rd Quarter. Sa buong panahon na hindi s’ya naglalaro, I found myself just staring at him habang pinapanood rin n’ya ang game mula sa bench nila. At nung pinasok s’ya, nagulat ang mga kasama ko nang bigla akong nagtitili.

Things were never the same after that.
Kahit gabihin pa ako, pinapanood ko ang game nila. Madalas kasi, main event ang mga laro nila kaya 4 pm pa nagsisimula at 6 pa natatapos.
Hindi ako maka-cheer ng maayos para sa UP kapag sila ang kalaban dahil mas madalas ko pang isigaw ang “Go Johann!” na ikinaiinis ng mga kasama ko.
Minsan nga, kahit hindi Ateneo ang naglalaro, sumisigaw ako ng “Go Johann!” e.
Kapag sa tv naman ako nanonood, pinagdadasal kong mag-time out na para ma-feature ang bench nila dahil paniguradong tatayo s’ya at makikita sa tv. Ilang segundo rin ng kaligayahan para sa akin.
Noong huling laban ng UP at Ateneo, umupo kami sa tapat ng bench ng Ateneo. Sa Ultra ang game kaya sobrang lapit namin. Nang makita ko s’ya pagpasok ko pa lang ng court, nagtitili na ko. Muntikan na kong himatayin sa tuwa. Swear. Walang halong exaggeration.
Mas tumindi pa ang pagka-crush ko sa kanya nang malaman kong kaibigan n’ya si Rexan, isang malapit na kaibigan, at blockmate and super friend ng kabarkada kong si Nicole si Rachel, ang girlfriend n’ya.
Sa sobrang tindi, nakakatakot na.
Napapanaginipan ko na s’ya.
Nakatago sa wallet ko ang picture n’yang dinownload ko pa sa uaap.com. kahit pangit s’ya ‘don.
Inaway ko pa ang kaibigan kong nagsabi ng “Yuck! Crush mo si Uichico?”, at binantaan ko s’yang ‘wag na ‘wag lalaitin si Johann sa harapan ko kung ayaw n’yang masaktan. Akala n’ya joke lang pero sinampal ko s’ya afterwards.
Bumili pa ako ng sandamakmak na items na binebenta ni Nicole, isang kabarkada na nag-aaral sa Ateneo, para lang makapunta ako sa Ateneo at matanaw ko s’ya.
Nasira ko pa ang radio namin sa bahay sa kakamadaling pakinggan s’ya sa NU 107 isang gabi.
Tinext ko pa ang lahat ng taong kilala ko nung birthday n’ya. (September 15)
Lagi kong sinasabi na crush lang talaga. Totoo naman. Alam kong may girlfriend s’ya, alam kong malabo kami dahil hindi naman madalas nagkukrus ang aming landas unless gagawan ko ng paraan.
Pero hindi ko maintindihan kung bakit ginagawa ko ang mga kabaliwang ito. Sabi nga ng best friend ko, para daw akong grade school kung umasta’t mag-isip.
Ewan ko talaga.
Baliw na ‘ata talaga ako sa kanya.
Ayaw mo pa ring maniwala?
Bakit kaya sa tingin mo sinulat ko ‘to?